e-περιοδικό της Ενορίας Μπανάτου εν Ζακύνθω. Ιδιοκτήτης: Πρωτοπρεσβύτερος του Οικουμενικού Θρόνου Παναγιώτης Καποδίστριας (pakapodistrias@gmail.com), υπεύθυνος Γραφείου Τύπου Ι. Μητροπόλεως Ζακύνθου. Οι δημοσιογράφοι δύνανται να αντλούν στοιχεία, αφορώντα σε εκκλησιαστικά δρώμενα της Ζακύνθου, με αναφορά του συνδέσμου των αναδημοσιευόμενων. Η πνευματική ιδιοκτησία προστατεύεται από τον νόμο 2121/1993 και την Διεθνή Σύμβαση της Βέρνης, κυρωμένη από τον νόμο 100/1975.

Το ΝΥΧΘΗΜΕΡΟΝ έχει γενέθλια: 15 χρόνια καθημερινότητας

Το ΝΥΧΘΗΜΕΡΟΝ έχει γενέθλια: 15 χρόνια καθημερινότητας
Κάντε κλικ στην ανωτέρω αφίσα για να δείτε όλες τις επετειακές δημοσιεύσεις για τα 15χρονα του ΝΥΧΘΗΜΕΡΟΝ

ΚΥΡΙΑΚΗ ΣΤΟ ΧΩΡΙΟ ΞΑΝΑ: ΒΑΝΑΤΟ ΖΑΚΥΝΘΟΥ, ΠΑΣΧΑ 2022

Τα νεότερα στα θεματικά ένθετα

Δευτέρα 7 Μαρτίου 2022

KATEKETIKAL NA PAHAYAG PARA SA PAGSISIMULA NG DAKILA AT BANAL NA KWARESMA TAONG 2022 (in the language Tagalog [Filipino])

+BARTOLOME
SA AWA NG DIYOS
ARSOBISPO NG KONSTANTINOPLA – ANG BAGONG ROMA
AT EKUMENIKO PATRIARKO
SA KALAHATAN NG SIMBAHAN:
NAWA ANG GRASYA AT KAPAYAPAAN
NG ATING PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS NA SI HESUKRISTO,
KASAMA NG ATING PANALANGIN, PAGPAPALA, AT PAGPAPATAWAD
AY SUMAATIN LAHAT

* * *



Mga kagalang-galang na kapatid at mga pinagpalang anak sa Panginoon,
Niluluwalhati natin ang Diyos sa Banal na Trinidad, na syang muling gumabay sa atin bilang Simbahan sa kapintu-pintuho at pinagpalang panahon ng Banal at Dakilang Kuwaresma, ang lugar na pinagdarausan ng pisikal at espiritwal na disiplina at ng asetikong pakikibaka, upang ihanda ang ating sarili sa paraang ayon kay Kristo at maglakbay ng may pagpapakumbaba patungo sa Banal at Dakilang Linggo (Semana Santa) at ang nagbibigay buhay na Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon.

Ang asetikong disiplina ay hindi lang katangian ng Banal at Dakilang Kwaresma; hindi rin ito isang bagay na ginagawa at obligasyon lamang ng mga monastiko; at hindi rin ito isang panlabas na katangian sa Kristiyanong ethos – isang elemento sa labas lamang ng ating buhay pananampalataya. Ang Asetisismo ay bahagi ng pangunahing sangkap ng buhay Kristiyano at ng buhay ng Simbahan. Ito ay humihirang sa pagtawag ni Kristo sa Kanyang mananampalataya at nagsasaksi sa Kanyang presensyang nakapagliligtas sa ating mga buhay. Bilang mananampalataya, hindi tayo tumatawag sa isang Diyos na hindi natin kapiling o ang Diyos na hindi malapitan, kundi tumatawag tayo sa Logos na nagkatawang-tao na nagpakita ng pagmamahal ng Diyos Ama at ang pakikiisa sa Espiritu Santo, ang kabuuhan ng grasya at kalayaan. Sa diwang ito, puno ng pagpapala at ng malalim na karanasan, ang Banal at Dakilang Kuwaresma ay nananatiling makapangyarihang pagpapahayag at pagpapakita ng yaman at katotohanan ng kabuuhan ng buhay ng Simbahan.
Wala sa buhay ng mananampalataya ang pira-piraso o pawang katapusan lamang. Ang buhay kay Kristo ay buo at hindi watak-watak. Ang pabalik-loob, pagpapakumbaba, panalangin, pag-aayuno, paggawa ng kabutihan – ang lahat ng ito ay magkakaugnay at dinadako ang mananampalataya sa Eukaristiya ng Simbahan, ang eskatolohikal na misteryo ng Kaharian ng Diyos. Ang asetikong pakikibaka ay ang simula, ang “makitid na tarangkahan” na siyang patungo sa dakong Kabanal-banalan. Sa ating tradisyon, walang “asetisismo para lang sa asetisismo.” Ang disiplinang asetiko ay isang paglalakbay; ito ay kaganapan kung ito ay bahagi ng Simbahan, kung ito ay nagdadala sa atin sa pakikibahagi sa Banal na Misteryo, na siyang naglalakip sa atin ng daan ng Simbahan patungong Kaharian. Alalahanin natin ang halimbawa ni Santa Maria ng Ehipto na siyang ginugunita natin sa ika-limang Linggo ng Kuwaresma. Pagkatapos ng apatnapung araw ng mariing asetikong pakikibaka at di-nagmamaliw na panalangin, ninais niya na tumanggap ng Katawan at Dugo ni Kristo mula sa kamay ni San Zosimas ng may kaalamang ang Banal na Komunyon ang bukal ng buhay at ang gamot ng buhay walang-hanggan. Sa parehong ugat, ang Banal at Dakilang Konseho ng Simbahang Orthodox (Krete, 2016), ay inilarawan ang pagaayuno bilang “dakilang espiritwal na gawain” at “ang mahusay na pagpapahayag ng asetisismo ng Simbahang Orthodox,” na nagbibigay diin na “ang tunay na pagaayuno ay naapektuhan ang buong buhay ng mananampalataya kay Kristo at siyang ginagantimpalaan ng kanilang pakikiisa sa banal na pagsamba, lalo na sa misteryo ng Banal na Eukaristiya” (Ang Kahalagahan ng Pagaayuno at ang Pagsasagawa nito, § 1 and 3).
Ang espirituwalidad ng Orthodox hindi maaring walang pakikiisa sa Banal na Eukaristiya, kung saan tayong mga mananampalataya ay nagiging isang katawan, isang komunyon ng mga tao, isang lipunan ng buhay, nakikibahagi sa “pangkalahatang kaligtasan” kay Kristong Tagapagligtas na siyang “kabutihang tanan.” Kaya gayunpaman, ang pagaayuno ay ang pagpapasakop at pagsunod sa alituntunin ng Simbahan, isang pangkalahatang karanasan. Ang Banal at Dakilang Kuwaresma ay isang paanyaya sa atin upang tuklasin ang Simbahan bilang dako at daan ng pagpapabanal at kabanalan, bilang patikim at imahe ng karingalan, ng kaganapan ng buhay at ng kabuuhan ng kaligahayan sa Kaharian sa buhay walang-hanggan. Hindi natin mauunawaan ang diwa ng Banal at Dakilang Kwaresma sa karanasan o sa theolohikal na paraan kung hindi natin ito nakikita bilang paglalakbay patungong Pascha. Sa tanang panahon ng pag-aayuno, pinapanatili nito ang “Paschang pananaw” ng buhay. Ang malungkot na asetisismo ay isang kabuktutan ng Kristiyanong pamumuhay; ito ay isang kamangmangan sa nalalapit na biyaya at ang darating na Kaharian ng Diyos; ito ay buhay na “tila si Kristo ay hindi dumating,” walang paghihintay sa “pagkabuhay ng mga namatay” at “sa buhay na walang hanggan.”
Ang diwang ito ay ang karanasan ng Pagaayuno bago ang Pascha sa sinaunang pahanon ng Simbahan, kung saan sa panahon na iyon ang mga nakatekismo ay inihahanda para sa Banal na Binyag sa Liturhiya sa gabi ng Pascha. Maski sa mga nagdaang panahon, ang kateketikal na katanginan ng panahon ng pagaayuno ay pinalitan ng ethos ng pagbabalik-loob, ang karanasan sa “pagbabalik-loob” bilang “ikalawang binyag” ay napanatili at ito parin ang diwa ng buhay na syang nagdadala muli sa atin sa kaganapang eukaristiyang pampaskwa ng buhay simbahan, patungong tahanan ng Ama at pakikiisa sa Espiritu Santo. Sa bagay na ito, ang “pagbubuhat sa krus” ay bumubuo sa daan patungong kaligayahang wagas ng Muling Pagkabuhay.
Sa mga araw na ito, ang mga mananampalataya ng bansang Ukrania ay nagbubuhat ng kanilang mabibigat na Krus, sa kanilang paghihirap dulot ng marahas na pangaabuso ng walang-dahilan, walang-katuturan at nakakapinsalang digmaan, na syang nagkakalat ng pagdurusa at kamatayan. Sa ating pagpapakasakit kasama ng ating mga kapatid na gitna ng digmaan, ating pinapaigting ang ating pagsumamo sa Panginoon ng awa at Diyos ng kapayapaan, para sa pagtigil ng sigalot na ito at sa pananaig ng hustisya at kapayapaan na syang tinatamasa sa kaligayahang nakaliligtas sa Kaharian ng Diyos.
Sa parehong nakaliligtas na katotohanan ng pananampalatayang Orthodox, ang kabanalan at ang espiritwalidad na syang binibigyang diin ng pagpapabanal ng Banal na Myron, na, sa biyaya ng Diyos, ay ating gaganapin ngayong taon sa paparating na Semana Santa sa ating Patriyarka. Ang pinagpala at “mabisang nakapagpapabanal” na langis ng “Eukaristiya ng Myron” ay binabahagi ang iba’t-ibang kaloob at biyaya ng Espiritu Santo sa Misteryo ng Chrismasyon sa mga bagong bininyagang “makalangit na mamamayan” para sa lakas at pakikibahagi sa buhay ng Simbahan – una sa lahat ay ang pakikiisa sa Banal na Misteryo – gayundin ang pinagpalang presensya natin sa mundo at ang pagsasaksi sa handog na biyaya at pag-asa na nasa atin. Ang katangian ng Espiritu Santo bilang “kapangyarihan ng pagkakaisa” ay naipapakita din sa paraan ng paghahanda sa Banal na Myron sa pagpapakulo ng mga sangkap mula sa iba’t-ibang simbahang Orthodox gayundin ang pahanon at lugar ng pagbabasbas nito sa loob ng Eukaristiya, pagkatapos ng konsekrasyon ng Banal na Handog, ang Banal na Myron ay ginagamit din sa chrismasyon ng mga hindi Orthodox, mga nanunumbalik sa Simbahan, sa konsekrasyon ng simbahan at ng altar nito, sa antimensia at iba pa.
Sa diwang ito, pinapanalangin natin na ang dako ng pagaayuno ay maging matiwasay at ang ating paglalakbay patungo sa Pascha ng Panginoon ay walang balakid, ating pinapanalangin sa inyo – aming mga kagalang-galang na kapatid at minamahal na anak ng Inang Simbahan ng Konstantinopla sa tanan – ang biyayang nagbibigay-buhay at dakilang awa ni Kristong ating Diyos, na syang kailanman ay pinagpapala ang asetikong pagtatagumpay ng Kanyang mga tao.
Banal at Dakilang Kwaresma taong dalawáng libó’t dalawáng pût-dalawa (2022)
✠Bartolome ng Konstantinopla –Bagong Roma
Ang inyong tagapagsumamo sa harapan ng Diyos

 

Δεν υπάρχουν σχόλια: